KUYA

Sana nakita kita kahit sandali
Nakagawa sana tayo ng alaala
Ang buhay na wala ka ay di madali
Lagi ko tinatanong kung paano kaya
Paano kaya kung umiiyak ako
Magbibigay ka ba ng payo o panyo


Masarap ka din kayang kasama
Katulad ko mapangasar din ba sa iba
Ikaw ba yung tipong pala aral sa gabi
O baka naman habulin ng babae
Paano ka kaya mag alaga sa amin
Showy ka ba o tipong mahiyain


Pagpikit ko iniisip ko ang itsura mo
Sabi nila sobra mo daw gwapo
Mala Enchong, Daniel o Coco?
Hindi ko alamkung sino sa tatlo
Pero isa lang ang sure akong totoo
Magandang lahi ang mabibigay mo


Sana andito ka para protektahan kami
Sa lahat ng taong gusto sa’ming umapi
Sana kasama ka sa lahat ng lakad namin
Sigurado akong sobra ang tawanan natin
Sana may litrato kang pwede kong tignan
Na magpapa-alala sa masayang nakaraaan


Sa tuwing kaarawan mo sana andito ka
Kasabay naming kumakain ng simpleng handa
Sana nakita mo ang pagbabago ng bawat isa
Kasi ngayon meron na silang buhay na iba
Kung andito ka may diploma ka na ngayon
At nagtatrabaho na sana ng tatlong taon


Sana naranasan mo ang saya ng bawat pasko
Lalo na ang pagtanggap ng simpleng regalo
Sana andito ka tuwing dadating ang bagong taon
Nagpapaputok at kasabay naming tumatalon
Sana may picture tayong pamilya all together
Na pwedeng ipost sa facebook, instagram at twitter


Sana andito ka na pwede kong sandalan
Tuwing may problema pwede kong matakbuhan
Sana andito ka na pwedeng tumapik sa balikat ko
Kapag nahihirapan ako at gusto ng sumuko
Sana joker ka na magaling magpatawa
Kasi sa buhay na ito maraming problema


Hindi mo nalaro ang lahat ng may ball
Sayang di mo naenjoy ang laro sa bawat console
Pero baka ikaw yung tipong pang career lang
At wala ng panahon pang maglibang
Sayang di ka kumapit ng maigi
Kaya sandali ka lang dito namalagi


Sabi nila wala daw kami kung nandito ka
Magpapasalamat ba ako na ikaw ang kinuha
Magsasaya sa buhay na dapat sa iyo sana
Pero baka kasi ito talaga ang nakatadhana
Ang mabuhay na masaya at nangungulila
Dahil kahit kelan wala akong matatawag na KUYA

Comments

Popular Posts