Buhay sa Dilim
Walang pinag kaiba sakin ang gabi at araw
Kapag humiga na sa papag bawal ng gumalaw
Nagmumuni muni sa pinag kaiba ng soup at sabaw
Bakit natatakot ang mga bata sa salitang mamaw?
At anu ang kwento ng bawat magnanakaw?
Ang huling tanong ang gusto kong sagutin niyo
Sa lipunan nating mapanghusga sino ba ang matino?
Ang taong nakaputing nakatayo sa gabi na humahablot ng IPAD
mo
O ang taong naka puti’t itim sa umaga na nangugnguha kahit
nakaupo
Ako din nahihirapan sabihin kung sino sa dalawa ang meron
pang puso
Bata palang ako gusto ko ng mag suot ng asul na uniporme
At balang araw matatawag na hepe o di kaya naman tenyente
Misteryo sakin ang pangarap ng mga taong kinatatakutan sa
gabi
Ginusto ba nila ang buhay sa dilim kahit ang mangarap naman
ay libre?
Kanino ba tayo dapat matakot kung ang lipunan natin ay sobra
ng grabe?
Anu bang buhay ang mas masarap , sa loob o sa labas?
Yung buhay ba na napapaligiran ng mga taong maangas
O ang buhay na matira ang matibay gamit ang dahas?
Mas ok ba talagang mabuhay katabi ang malalamig na rehas
Kesa lumakad ng nakayuko dahil sa bigat ng iba’t ibang
alahas?
Sa totoong mundo pantay pantay ba talaga ang bawat tao?
Meron ba talagang hustisyang natitira pa sa mundong ito?
Ang kriminal binibigyan ba talaga ng karapatang magbago?
O huhusgahan pa din siya dahil minsan siyang bilanggo?
Pano ba nila nalalaman ang katotohanan sa bawat kaso?
Swerte ang pinanganak na mayaman dahil di kailangan maghirap
Di tulad ng dukha puno ng pangrap halos mamatay sa
pagsisikap
Pero bilib ako sa taong mula sa hirap ang yaman biglang
nalasap
Naaawa naman sa taong kahit anung gawin buhay ay kay saklap
Ngayon niyo ituro kung nasaan ang pantay at hustisyang
hinahanap
Ang hirap gumalaw at mabuhay sa lipunan na mapag mata
Kahit anung gawin mong pagbabago mananatili kang kakaiba
Ang nakaraan mo ay uungkatin at pilit sayo ipapamukha
Parang walang kang karapatan sa hangin na kanilang hinihinga
Wala kang lugar sa tinatapakaan at nilalakaran nilang lupa
Hindi kaya ang lipunan din ang nagdidikta kung sino ka
Kasi kahit anung pilit mong umalis sa buhay na madilim na
Nilalayo nila ang ilaw na dapat nanagsisilbi mong pag asa
Ang masakit pa sa lipunang ito kasama ang iyong pamilya
Ang pamilyang dapat tumtanggap sayo kahit sino ka pa
Bago matapos ako nga pala si Pedro
Imbis na asul ay kahel ang suot ko
Minsan kong sinubukang magbago
Pero buhay na madilim pa din ang tinungo
At ito ang kwento ng katulad kong Pilipino
Comments
Post a Comment